^

PSN Palaro

Pocari asam ang Solo 2nd

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(The Arena)

10 a.m.  Cignal vs IEM (Men’s)

4 p.m.  PetroGazz vs Pocari-Air Force (Women’s)

6 p.m.  Tacloban vs Iriga-Navy (Women’s)

MANILA, Philippines — Masolo ang No. 2 spot ang tatangkain ng nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force sa pag­larga kontra sa Petro Gazz ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Lady Warriors at Gazz Angels sa alas-4 na susundan ng duwelo ng Tac­loban Fighting Warays at Iriga-Navy Lady Oragons sa alas-6 ng gabi.

Nakatali sa three-way tie sa ikalawang puwesto ang Pocari-Air Force, PayMaya High Flyers at BaliPure-National University hawak ang magkakatulad na 3-2 marka habang na­ngunguna ang Creamline Cool Smashers na may 4-1 baraha.

Magkasalo naman sa ikalima ang Petro Gazz at Tacloban hawak ang parehong 2-3 rekord.

Nakasakay ang Lady Warriors sa two-game winning streak kabilang ang 25-19, 10-25, 25-17, 25-21 panalo sa Water Defenders noong Linggo.

Mala-import ang atake ni open hitter Myla Pablo sa naturang laro matapos magsumite ng 21 puntos buhat sa 14 attacks, apat na blocks at tatlong aces para tulungan ang kanilang reinforcements na sina Arielle Love at Madeline Palmer.

Umiskor si Love ng 18 markers samantalang isang all-around game ang ipinamalas ni Palmer na may 13 puntos, 15 receptions at 10 digs.

Muling masusubukan ang trio nina Pablo, Love at Palmer laban sa Gazz Angels.

Handa ang Petro Gazz na magbuga ng malakas na apoy sa likod ng bagong import na si Olena Lymareva-Flink.

Nagparamdam agad si Lymareva-Flink sa kanyang debut game nang bumanat ito ng 16 puntos at 14 digs para hatakin ang Gazz Angels sa 25-22, 30-28, 25-13 panalo laban sa Lady Oragons.

Subalit kailangan ni Lymareva-Flink ng backup mula kina Anastasia Trach, Cherry Rose Nunag, Ranya Musa at team captain Stephanie Mercado para tapatan ang  Lady Warriors.   

vuukle comment

POCARI SWEAT-AIR FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with