^

PSN Palaro

SMB-Alab, Mono Vampire simula na ang giyera sa titulo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta. Rosa, Laguna)

8 p.m. Alab Pilipinas  vs Mono Vampire Thailand  

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng San Miguel-Alab Pilipinas ang kanilang hangarin sa titulo sa pakikipaglaban ngayon sa Mono Vampire Thailand sa Game 1 ng best-of-five championship series sa 8th ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Tangan ang bentahe sa home and away format, haharapin ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire sa  alas-8 ng gabi sa harap mismo ng inaasahang jam­pack pro crowd.

Bilang third seed pagtatapos ng elimination round, ang unang dalawang sunod na laro ay gaganapin dito sa Pilipinas at ang susunod na dalawa ay gagawin sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand at babalik sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex kung kinakailangan para sa deciding fifth game sa Mayo 2.

 Nasungkit ng Mono Vampire ang ikalawang finals berth matapos walisin ang best-of-three semifinals kontra sa top seed Chong Son Kungfu China, 2-0 habang ang Filipino team ay nagwagi rin sa parehong  2-0 sweep laban sa nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions sa ibang semis match.

Malaki ang tiwala sa tropa ni coach Jimmy Alapag laban sa Thailand  team dahil dalawang beses nitong tinalo ang Vampire sa elimination round.

vuukle comment

8TH ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with