^

PSN Palaro

Pinoy mixed martial artist patay matapos mabundol

Amadís Ma. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Pinoy mixed martial artist patay matapos mabundol

The Padillas (top to bottom) Robin, Rebecca and Daniel: Among one of the most enduring clans in the showbiz industry... with more of them coming

MANILA, Philippines -  Kasalukuyan nga­yong nagdadalamhati ang mixed martial arts world.

Ito ay matapos masawi sa isang road accident si ONE Championship (ONE) Filipino bantamweight Rocky “The Outlaw” Batolbatol noong Linggo sa Cagayan de Oro.

Nakatakda sanang lumaban ang 32-anyos na si Batolbatol sa inaugural event ng ONE Championship sa Surabaya, Indonesia, ngunit nakansela ang na­sabing event.

Si Batolbatol ay naging bahagi ng ONE Cham­pionship noong 2014 kung saan siya napanood sa tatlong maaksyong laban.

Siya ay dating profes­sio­nal boxer na lumipat sa mixed martial arts.

Huling lumaban si Ba­tol­batol, nagtala ng 5-3 re­cord, sa ONE Championship noong Mayo ng 2016 sa kanyang pagsagupa kay Singapo­rean prospect Christian Lee.

Sa report ng Cagayan de Oro City Police Office, si­nasabing naglalakad si Batolbatol kasama ang pin­san niyang si Geinar Pon­ce sa Gusa Highway nang aksidenteng mabundol ng ta­xi na minamaneho ni Jer­son Bersabal.

Bagama’t nangyari ang aksidente sa harap ng Ca­pitol University Medical Hospital, isang private hos­pital, ay dinala sina Ba­tolbatol at Ponce sa J.R. Borja public hospital na limang kilometro ang layo sa pinangyarihan.

Sina Batolbatol at Pon­ce ay kapwa idineklarang Dead-on-Arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with