^

PSN Palaro

Middleton bida sa Bucks

Pilipino Star Ngayon

MIAMI—Tila naturuan nang husto ni Dwyane Wade si Khris Middleton sa off-season.

Kumamada si Middleton ng 22 points, habang nagdagdag ng 15 si Greg Monroe bukod pa ang 10 rebounds at nadepensahan ng Milwaukee Bucks si Wade para talunin ang Miami Heat, 91-79.

Nag-ambag si Giannis Antetokounmpo ng 14 points para sa Milwaukee, tinalo ang Miami sa pang-limang sunod na pagkakataon.

Nagkakilala sina Wade at Middleton noong summer sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan kung saan nahikayat ang Milwaukee guard na magpaturo sa three-time NBA champion.

Tumawag si Middleton at pumayag si Wade kung saan sila nagsanay sa ilalim ni trainer Stan Remy.

Kumolekta naman si Hassan Whiteside ng 23 points at 18 rebounds para sa Miami, nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan at natalo ng 22 points sa nasabing mga laro.

Tumipa si Chris Bosh ng 23 at may 11 si Luol Deng para sa Heat na naglaro na wala sina point guards Goran Dragic at Beno Udrih pati na sina Josh McRoberts at Chris Andersen.

Naglaro na masakit ang balikat, tumapos si Wade na may 2 points mula sa 1-for-6 shooting sa loob ng 21 minuto.

vuukle comment

BENO UDRIH

CHRIS ANDERSEN

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

GREG MONROE

HASSAN WHITESIDE

KHRIS MIDDLETON

LUOL DENG

MIAMI HEAT

MIDDLETON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with