^

PSN Palaro

Lady Stags lalapit sa titulo vs Lady Blazers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakay ng San Sebas­tian na makalapit sa inaasam na kam­peonato sa pakikipagtipan nito sa College of Saint Benilde nga­yon sa pagsisimula ng 91st NCAA women’s volleyball finals sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Stags at Lady Blazers sa alas-4 ng hapon kung saan dalawang panalo lamang ang kakailanganin ng San Sebastian upang matamis na makumpleto ang sweep at maibalik sa kanilang teritoryo ang kampeonato.

Sa pangunguna ni reigning Most Valuable Player Grethcel Soltones, awtomatikong umusad sa finals ang San Sebastian tangan ang impresibong 9-0 rekord upang makuha ang thrice-to-beat sa serye.

“Our main focus now is Game One, nothing else,” ani  Lady Stags head coach Roger Gorayeb na siyang kauna-unahang mentor na nagtala ng Grand Slam sa Shakey’s V-League noong nakaraang taon.

Sa kabilang banda, ang Lady Blazers ay dumaan sa butas ng karayom bago masiguro ang tiket sa finals.

Unang pinatumba ng St. Benilde ang University of Perpetual Help System Dalta, 16-25, 25-19, 25-11, 25-21, sa unang yugto ng stepladder semifinals bago hubaran ng korona ang Arellano University sa bendisyon ng 25-20, 25-22, 25-23 panalo sa ikalawang yugto ng stepladder.

Sasandalan ng Lady Blazers ang tambalan nina middle blocker Jeanette Panaga at open hitter  Janine Navarro katuwang si setter Djanel Welch Cheng.

Ito ang ikatlong pagkakataon na magtatagpo ang San Sebastian at St. Benilde sa finals.

Hawak ng Lady Stags ang 2-0 rekord matapos gapiin ang Lady Blazers noong 2008 at 2009 edis­yon ng liga.

Ang San Sebastian ay may kabuuang 24 kampeonato sa NCAA -22 dito ay sa ilalim ng pamumuno ni Gorayeb habang ang St. Benilde ay nagnanais masungkit ang kanilang kauna-unahang korona.

Sa men’s division, sisimulan ng nagdedepensang Emilio Aguinaldo College at Perpetual Help ang kanilang best-of-three finals series sa alas-2 . (CCo)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SAN SEBASTIAN

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF SAINT BENILDE

DJANEL WELCH CHENG

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LADY BLAZERS

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with