^

PSN Palaro

GAB maghihigpit sa mga MMA events

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng mahigpit na patakaran ang Games and Amusement Board sa mga pagtatanghal ng mixed martial arts events upang maiwasan ang anumang disgrasya at matiyak ang seguridad ng bawat atletang lumalaban.

Ito ang inihayag ni Pa­cific X-treme Combat (PXC) director for fight o­perations Robert San Diego matapos ang insidenteng naganap sa ONE Championship noong nakaraang taon kung saan namatay si Chinese fighter Yang Jiang Bing dahil sa kumplikasyon.

Nais ni Yang na umabot sa tamang timbang para sa kanilang laban subalit hindi kinaya ng kanyang katawan ang ginawang proseso kaya’t bumigay ito.

“I think now the GAB is going to be a little stricter in terms of cutting weight because of that incident. I would say that we at the PXC would comply to e­ve­rything the GAB will implement, whatever they need, be it a CT scan, chest x-ray, we will make sure its done," ani San Diego sa pagbisita nito sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Sinabi ni San Diego na magsilbi aniyang aral ang naturang pangyayari upang hindi na ito maulit sa mga susunod na laban.

Lalarga ang bakbakan sa PXC-51 sa pagitan ng Pinoy fighters na sina Crisanto Pitpitunge at Jinel Lausa para sa bakanteng flyweight title sa Sabado na gaganapin sa Solaire Ballroom sa Pasay City.

Ipagtatanggol naman ni Kyle Aguon ng Guam ang kanyang bantamweight title laban kay South Korean Kawn Ho Kwak.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CRISANTO PITPITUNGE

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

JINEL LAUSA

KYLE AGUON

PASAY CITY

ROBERT SAN DIEGO

SAN DIEGO

SOLAIRE BALLROOM

SOUTH KOREAN KAWN HO KWAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with