^

PSN Palaro

Ika-5 sunod dadagitin ng Ateneo vs St. Benilde

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikalimang sunod na panalo ang target na dagitin ng Ateneo Eagles sa pagtatapos ngayon ng Spikers’ Turf Collegiate Conference elimination sa The Arena sa San Juan City.

Kaharap ng Eagles ang St. Benilde Blazers sa hu­ling laro dakong alas-5 ng hapon at kung maisaka­tuparan ang misyon ay sasamahan ng UAAP champion ang National University Bulldogs sa itaas ng standings papasok sa quarterfinals.

Bibitbitin ng walong lu­lu­sot na koponan ang  kanilang baraha sa elimination round sa quarterfinals kaya’t asahan na gagawin din ng Blazers ang lahat para makuha ang panalo at mapag-ibayo ang kasalukuyang 2-2 baraha

Paglalabanan muna ng La Salle Archers at UP Maroons ang ikalawang puwesto sa Group B sa unang laro sa ganap na ala-1 ng hapon habang ikatlong panalo sa limang laro ang hanap ng NCBA Wildcats sa pagbangga sa wala pang panalong UE Warriors dakong alas-3 ng hapon.

Ang format ng quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera ay isang single round robin ngunit hindi na magkikita ang mga magkakagrupo para madetermina ang apat na koponan na papasok sa semifinals.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO EAGLES

GROUP B

HOME ULTERA

LA SALLE ARCHERS

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

ST. BENILDE BLAZERS

TURF COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with