^

PSN Palaro

Bahay ni J. Lo sa L.A. kursunada ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na ang bahay na dating pag-aari ng superstar na si Jennifer Lopez ay mapunta kay Manny Pacquiao.

Kasama ang GMA-7, nilibot ni Pacquiao ang property ni J. Lo at agad nagustuhan dahil may ma­la­king swimming pool bukod sa entertainment center at living room na puwedeng tumanggap ng maraming bisita.

Lumiban sa pagsasa­nay sa Wild Card Gym si Pacman noong Sabado para maghanap ng bahay at lupa na kanyang pu­wedeng bilhin lalo pa’t ang isa niyang ari-arian sa Larchmont Park ay ibinebenta niya.

Sinasabing nasa $12 milyon ang turing sa bahay ni Lopez at handa na umano si Pacquiao na magpalabas ng kanyang presyo matapos na personal na makita ito.

Kayang bumili ng Kongresista mula Sarangani Province ng magarbong tahanan dahil tinatayang hindi bababa sa $80 milyon ang kanyang kikitain sa pagharap kay pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.

Hindi pa kasama rito ang kanyang parte sa tinatayang record-breaking sales sa Pay-Per-View kaya’t hindi nakakapagtaka kung pumalo sa $100 mil­yon ang kanyang maiuwi matapos ang mega-fight na bakbakan sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. (AC)

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

JENNIFER LOPEZ

LARCHMONT PARK

LAS VEGAS

PACQUIAO

SARANGANI PROVINCE

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with