^

PSN Palaro

La Salle vs Ateneo sa finals Eagles men’s champion

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)

3:30 p.m. La Salle vs Ateneo

MANILA, Philippines – Sa ikapitong sunod na pagkakataon ay umabot sa UAAP women’s volleyball finals ang La Salle Lady Spikers nang daigin ang National University Lady Bulldogs, 26-24, 21-25, 25-18, 25-21, sa knockout game kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Ara Galang ay gumawa ng 25 puntos mula sa 21 kills at apat na blocks. Ang kanyang huling hit ay mula sa malakas na pag-atake para sa 23-20 kalamangan sa fourth set.

Ngunit masama ang bagsak  niya at napilipit ang kanyang kaliwang tuhod at siya ay inilabas ng court sakay ng stretcher.

Makakalaban ng Lady Spikers sa best-of-three finals ang nagdedepensang Ateneo Lady Eagles, nasa championship round na at bitbit pa ang thrice-to-beat advantage bunga ng 14-0 sweep.

Sa Miyerkules na bubuksan ang championship at malaking dagok ang nangyari kay Galang sa hangaring bawian ang karibal matapos talunin sila noong nakaraang taon kahit may thrice-to-beat advantage.

Humugot pa ang Lady Spikers ng tig-15 hits kina Cyd Demecillo at baguhang si Mary Joy Baron at ang huli ay mayroong limang blocks para tulu­ngan ang koponan sa 16-3 dominasyon sa blocks laban sa matatangkad na Lady Bulldogs.

Sina Myla Pablo, Jaja Santiago at Jorelle Singh ay gumawa ng 19, 15 at 12 hits pero ang mga panuportang sina Rizza Jane Mandapat at Desiree Dadang ay nagsanib lamang sa siyam na hits para matapos ang makulay na kampanya ng NU.

Bago ito ay kinumpleto ng Ateneo Eagles ang makasaysayang kampan­ya sa men’s volleyball nang iuwi ang kanilang unang kampeonato sa 25-23, 25-23, 25-15, panalo laban sa two-time defending champion National University Bulldogs.

vuukle comment

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

CYD DEMECILLO

DESIREE DADANG

JAJA SANTIAGO

JORELLE SINGH

LA SALLE

LA SALLE LADY SPIKERS

LADY SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with