^

PSN Palaro

Pacquiao naka-date si Prince Harry

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pares ng boxing gloves na may Philippine logo at pirma niya ang ibi­nigay ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kay Prince Harry matapos ang kanilang hapunan sa The Goring Hotel sa London.

Ang naturang larawan ay ipinoste ni Pacquiao sa kanyang Instagram account.

Ito ang unang pagkaka­taon na may nakasamang miyembro ng Royal Family si Pacquiao.

Kaya naman puring-puri niya si Prince Harry.

“He is so nice and humble person. May God Bless you more Prince Harry it was a great experience thank you Lord,” sabi ni Pac­quiao sa 30-anyos na Prinsipe na anak nina Prince Charles at nang namayapang si Princess Diana.

Nakasama ni Pacquiao sa hapunan ang asawang si Jinkee na ipinoste naman ang menu sa Instagram.

Ayon kay Pacquiao, hindi niya makakalimutan ang eksperyensang makasalo sa hapag-kainan ang isang Prinsipe.

“Thank you LORD, for the privilege to meet and greet and have dinner with Prince Harry. He is a humble person to know. May You bless him and the whole family. Thank you LORD for everything! It was a great experience,” ani Pacquiao.

Si Pacquiao ay kilalang namamangha sa mga mi­yembro ng Royal Family.

Ang pangalan ng kanyang anak na si Queenie ay ginaya niya kay Queen Elizabeth, habang si Princess ay ipinangalan niya kay Princess Diana.

Sa kanilang hapunan ay hinikayat ni Prince Harry si Pacquiao na makiisa sa kanyang mga gagawing cha­­ritable events.

Mula sa London ay babalik si Pacquiao sa United States para maging isa sa limang judges sa 2015 Miss Universe pageant na nakatakda sa Enero 25 sa U.S. Century Bank Arena sa Miami, Florida.

Sa Pebrero ay magi­ging speaker ang Sa­ran­gani Congressman sa isa sa mga events ng National Prayer Breakfast sa Washington D.C.

Inaasahang muling ma­kakasama ni Pacquiao si President Barack Obama sa ikalawang pagkakataon.

vuukle comment

CENTURY BANK ARENA

GORING HOTEL

INSTAGRAM

PACQUIAO

PRINCE HARRY

PRINCESS DIANA

ROYAL FAMILY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with