^

PSN Palaro

Phl Azkals umangat ng ranggo sa bagong FIFA world rankings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat ng isang ranggo ang Philippine Azkals sa bagong FIFA rankings para sa positibong pagsalubong sa 2015.

Mula sa ika-130 puwesto noong Disyembre, ang Az­kals ay umangat sa No. 129 at siya pa ring No. 1 team kung ang mga bansa South East Asia ang pag-uusapan.

Ang FIFA rankings ay lumabas noong Enero 8 at ka­tabla ng Pilipinas sa nasabing puwesto ang Aruba.

Nasa ikalawang puwesto ang Vietnam sa 133th place at apat na baytang ang kanilang itinaas kumpara sa huling buwan ng taong 2014.

Nanatili ang Myanmar sa pang-141 puwesto, habang ang Thailand, ang kampeon ng 2014 AFF Suzuki Cup, ay bumaba ng dalawang puwesto at ngayon ay nasa 114th spot.

Ang Malaysia na pumangalawa sa Suzuki Cup, ay nasa ika-limang puwesto sa pagiging No. 154.

Inaasahang gagamitin ito ng Azkals para pataasin ang morale lalo pa’t lalaro ang koponan sa 2018 World Cuy Qualifiers sa Hunyo. (ATan)

vuukle comment

ANG MALAYSIA

ARUBA

AZKALS

DISYEMBRE

ENERO

PHILIPPINE AZKALS

SOUTH EAST ASIA

SUZUKI CUP

WORLD CUY QUALIFIERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with