^

PSN Palaro

Anotado No. 1 scorer sa UAAP football

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Steven Anotado ng UST ang siyang lumabas bilang top scorer sa UAAP Season 77 men’s football.

May anim na goals na ang ginawa ng striker ng UST at tampok dito ang hat-trick na ginawa nang angkinin ng Golden Booters ang 3-0 panalo laban sa UE bago nagbakasyon ang liga para iselebra ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Lalalabas na ang 18-anyos na si Anotado ay umiskor sa apat sa limang larong hinarap ng koponan.

May tig-isang goal siya sa laro laban sa nagdedepensang kampeon FEU Tamaraws, Ateneo Eagles at Adamson Falcons.

Hindi siya nakagawa nang hinarap ang UP Maroons na nanalo sa 2-0 iskor.

Kapos ng dalawang goals para tumabla sa unang puwesto sina Eric Giganto ng FEU at Jinggoy Valmayor ng UP na may tig-apat na goals.

May tatlong goals naman sina Jean Mari Clarino ng UST, Gelo Diamante ng La Salle, Carlo Liay ng Ateneo at Paolo Salengan ng Natiohal University Bulldogs.

Ang UP ang nangunguna sa kompetisyon taglay ang 10 puntos. Sila rin ang may pinakamaraming goals na naiskor sa 12 habang ang UST ay may 11 at ang Ateneo, La Salle at FEU ay may tig-10.

 

 

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ATENEO

ATENEO EAGLES

BAGONG TAON

CARLO LIAY

ERIC GIGANTO

GELO DIAMANTE

GOLDEN BOOTERS

JEAN MARI CLARINO

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with