^

PSN Palaro

James nasasabik sa pagbabalik sa Miami

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Inamin ni LeBron James na nasasabik siyang bumalik sa Miami para sa kanyang homecoming.

Ngunit hindi ito maikukunsiderang isang homecoming dahil hindi naman niya tunay na tahanan ang Miami na kanyang tinirhan sa apat na taong paglalaro para sa Heat.

Magbabalik si James para labanan ang Heat, ang ko­ponang naglunsad sa kanya bilang isang superstar at maging isang two-time NBA champion superstar.

Kaya naman naghanda na siya pati ang Cleveland Ca­valiers para sa inaasahang magiging emosyunal  na Christmas visit.

“To say I haven’t thought about going back, I would be lying,’’ sabi ni James sa Cleveland noong Martes ng gabi matapos talunin ng Cavaliers ang Minnesota. “It’s going to be great to be back in that building around those unbelie­vable fans and the memories will definitely come back, being a part of the organization for four years.’’

Hindi maitatago na may ilang nagalit kay James nang umalis siya sa Miami para magbalik sa Cleveland.

Nananatili ang relasyon ni James sa ilang Heat pla­yers, at patuloy ang kanilang pagiging magkaibigan ni Dwyane Wade.

“He made the right decision. He went home,’’ wika ni Wade kay James.  

 

vuukle comment

CLEVELAND CA

DWYANE WADE

INAMIN

JAMES

KAYA

MAGBABALIK

NANANATILI

NGUNIT

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with