^

PSN Palaro

James hiniya ng Knicks sa kanyang pagbabalik sa Cavs

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND -- Masa­ma ang fieldgoal shoo­ting ni LeBron James. Ang kanyang mga pasa ay wa­lang nakakatanggap. Pa­ngit ang kanyang ipina­kita mal­i­ban sa pagh­ahagis niya ng powder sa hangin.

‘’I didn’t press,’’ sabi ni James. ‘’I didn’t do much.’’

Tinabunan ng New York Knicks ang emosyunal na pagbabalik ni James sa Cleveland matapos iposte ang 95-90 panalo kontra sa Cavaliers.

Tumapos si James, nag­balik sa Cavs at sa kan­yang pinagmulang Ohio matapos manalo ng dalawang NBA titles sa Miami, na may 17 points mula sa malamyang 5-of-15 fieldgoal shooting.

Nagtala rin siya ng 8 turnovers at tila hindi komportable sa gabi ng kanyang pagbabalik sa harap ng star-studded crowd.

Naglista si Kyrie Irving ng 22 markers at humakot si Kevin Love ng 19 points at 14 rebounds para sa Cavs.

Kumamada si Carmelo Anthony ng 25 points at nagsalpak ng isang baseline jump shot kontra kay James sa huling 25 segundo para ibigay sa Knicks ang 92-87 bentahe.

Nagdagdag sina Iman Shumpert at Jason Smith ng tig-12 points sa panig ng Knicks, nauna nang natalo sa Chicago Bulls.

Sa Orlando, naglista si guard John Wall ng 30 points at 12 assists at na­lam­pasan ng Washington ang pagbangon ng Or­lando Magic sa fourth period para kunin ang 105-98 panalo.

Kumolekta si Marcin Gortat ng 20 points at 12 rebounds para sa Wizards.

Sa Los Angeles, umiskor si Blake Griffin ng 23 points, tampok ang dalawang free throws sa natitirang 5.0 segundo, habang nagdagdag si Chris Paul ng 22 markers sa 93-90 pa­nanaig ng Clippers laban sa Oklahoma City Thunder.

Nabalian ng kanang ka­may si scoring guard Rus­sell Westbrook na nag­dagdag ng problema sa Thunder matapos ang injury ni Kevin Durant.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

CARMELO ANTHONY

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

IMAN SHUMPERT

JASON SMITH

JOHN WALL

KEVIN DURANT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with