^

PSN Palaro

Donaire lalabanan ni Gonzales kung...

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Oktubre 18 ay itataya ni Nonito Donaire Jr. ang ha­wak na WBA Super World featherweight title laban kay Nicholas Walters sa Carson, California, USA.

Lalabas na unification fight ito sa panig ng WBA dahil si Walters ang hari sa regular WBA title.

Kung manalo si Donaire ay may naghihintay na ma­laking laban ang Filipino Flash dahil hinamon na siya ng beteranong Mexican boxer na si Jhonny Gonzales, kampeon ng WBC featherweight division.

“I would like to fight Donaire,” maigsi pero malinaw na mensahe ni Gonzales na inilathala sa WBC website.

Galing ang beteranong si Gonzales mula sa brutal na panalo sa kababayang si Jorge Arce na tatlong beses na natumba sa laban.

Ito ang unang titulo ni Gonzales mula nang lumasap ng pagkatalo kay Gerry Peñalosa para sa WBO bantamweight title noong 2007.

Tiyak na wala pa sa isipan ni Donaire ang hamong ito ng batikang Mexican fighter dahil ang pinagtutuunan niya ay ang laban kontra kay Walters.

Ang 28-anyos at 5’7 na si Walters ay hindi pa natatalo matapos ang 24 laban at 20 dito ay kanyang pinatulog.

Ang huling apat na kinaharap ay hindi tumapos ng laban at ang huling lumasap ng bangis ng kamao ni Walters ay si Vic Darchinyan na tumagal lamang ng limang rounds na nangyari noong Mayo 31.

Mas matanda si Donaire ng tatlong taon at mababa ng isa’t-kalahating pulgada kay Walters at ang mga ito ay pilit niyang isasantabi gamit ang lakas sa magkabilang kamao.

Dalawang talo lamang ang nalasap ni Donaire matapos ang 35 laban at 21 dito ay kanyang pinabagsak.

 

vuukle comment

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GERRY PE

GONZALES

JHONNY GONZALES

JORGE ARCE

LABAN

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with