Gilas Women swak sa quarterfinals finals
MANILA, Philippines — Swak ang Gilas Pilipinas Women sa quarterfinal round ng 20th Asian Games women’s 5x5 basketball tournament matapos talunin ang Hong Kong, 90-73, kahapon sa Aichi International Arena sa Japan.
Kumamada si point guard Stefanie Berberabe ng 21 points, limang rebounds at dalawang assists, habang humakot si veteran forward Afril
Bernardino ng 17 points at 11 rebounds para sa 2-0 record ng World No. 30 Gilas Women at makatiyak ng top two finish sa Group B.
Bukas lalabanan ng tropa ni Canadian coach coach BT Toews ang host country Japan sa alas-12 ng tanghali sa pagtatapos ng group stage papasok sa quarterfinals sa Huwebes.
Laglag ang No. 105 Hong Kong sa 0-2 marka kasama ang 37-114 pagkatalo sa mga Japanese sa una nilang laro.
Nagdagdag si Jhazmin Joson ng 15 points at may 14 markers si Camille Malagar, habang nalimitahan si 6-foot-1 naturalized center Elizabeth Means sa walong puntos matapos bumanat ng 23 points sa kanilang 86-58 pagrapido sa No. 69 Kazakhstan.
Sa likod ni Li Tszkwan, bumira ng 30 points ay ilang beses naagaw ng Hong Kong ang bentahe bagokumamada ang Gilas Women sa dulo ng third period, 69-60.
- Latest



















