^

PSN Palaro

Batang Gilas ‘di kinaya ang Americans

Pilipino Star Ngayon

DUBAI- Hindi naka­ya­nan ng Philippine Team ang lakas ng nagdedepensang United States para sa kanilang 64-124 pagyuko sa FIBA U17 World Championship noong Lunes ng gabi sa Al Ahli Arena dito.

Naging mainit ang mga kamay nina Terrance Ferguson at Josh Jackson, habang wala namang na­kapigil kina Diamond Stone at Henry Ellenson sa shaded lane para sa US.

Nagtayo ang Americans ng isang 29-point halftime lead laban sa Batang Gilas.

At mula rito ay hindi na nila nilingon ang mga Pinoy.

Pinangunahan ng Uni­ted States ang Group A sa kanilang 3-0 record na ka­baligtaran sa 0-3 baraha ng Batang Gilas.

Tumipa si Jolo Mendoza ng 19 points kasunod ang 12 ni Jollo Go at 10 ni Richard Escoto para sa Batang Gilas na nakatakdang labanan ang France sa isang knockout match na magdedetermina sa papasok sa quarterfinalis.

Ibinaon ng Americans ang Filipinos sa 61-32 sa halftime, ngunit pinuri pa rin ni Team USA coach Do­nald Showalter ang Batang Gilas.

vuukle comment

AL AHLI ARENA

BATANG GILAS

DIAMOND STONE

GROUP A

HENRY ELLENSON

JOLLO GO

JOLO MENDOZA

JOSH JACKSON

PHILIPPINE TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with