^

PSN Palaro

Heavy Bombers magsosolo sa ikatlong puwesto kontra Cardinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balak ngayon ng host Jose Rizal University Heavy Bom­bers ang solohin ang ikatlong puwesto, habang ang pu­­tulin ang apat na sunod na kabiguan ang nais ng San Se­bastian Stags sa 90th NCAA men’s basketball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

May 5-3 kartada ang Heavy Bombers na haharapin ang na­ngungulelat na Mapua Cardinals sa larong magsisimula ma­tapos ang tagisan ng Stags at Emilio Aguinaldo College Generals sa ganap na alas-2 ng hapon.

Kasalo ng tropa ni coach Vergel Meneses ang Per­pe­tual Help Altas at mayroon din silang tatlong dikit na pa­nalo.

Nangunguna pa rin ang San Beda Red Lions sa 7-1 panalo-talo baraha kasunod ang Arellano Chiefs (7-2).

May 1-7 record ang Cardinals ngunit tiyak na nais ni­lang tapusin ang di magandang kampanya sa unang iku­tan sa pamamagitan ng panalo.

Nasayang ang 3-1 panimula ng Stags nang matalo sa sumunod na apat na laro at malagay sa ika-pitong pu­westo (3-5).

Isang laro lamang ang kanilang agwat sa Generals (2-6) na sa huling laro ay kinapos ang pagbangon mula sa double-digit lead ng Bombers tungo sa 79-81 pagkatalo.

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

HEAVY BOMBERS

HELP ALTAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOM

MAPUA CARDINALS

SAN BEDA RED LIONS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with