^

PSN Palaro

Cagayan pinalakas ang koponan sa Shakey’s V-League Open Conference

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalakas ng Cagayan Valley ang kanilang koponan para sa hangaring maduplika ang ginawa nilang pagwalis patungo sa korona noong nakaraang taon ng Shakey’s V-League.

Kinuha ni coach Nes Pamilar sina dating Adamson mainstay Faye Guevara at Gemelyn Seguirre mula sa Gonzaga National High sa Cagayan, habang inaasahang makapagbibigay ng lakas sina Janine Marciano, mula sa Philippine National Police at dating FEU stalwart Chie Saet at dating Adamson standout  Pau Soriano para sa Lady Rising Suns.

Nagposte ang Cagayan Valley ng perpektong 16-0 record noong nakaraang taon, tampok dito ang finals sweep laban sa Smart-Maynilad.

Ngunit hindi ito magiging madali para sa Rising Suns.

Nakatakdang magbukas ang Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa Hunyo 29 sa The Arena sa San Juan City.

Ibabandera naman ng National University ang Santiago sisters na sina Dindin at Jaja.

Makikipag-agawan din para sa korona ang Philippine Army, pangungunahan nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga na gumiya sa Lady Tams para sa titulo sa event na itinataguyod ng Shakey’s, Mikasa at Accel.

Ang PNP ay pamumunuan naman nina Michelle Datuin, Aidie Castro, Tyne Tadeo, Frances Molina, Ronnie Concepcion at Diane Ticar.

Sasabak din sa torneo ang Philippine Air Force, PLDT Home Telpad at ang University of the Philippines para kumpletuhin ang eight-team cast ng Open conference.

 

vuukle comment

ADAMSON

AIDIE CASTRO

CAGAYAN VALLEY

CHIE SAET

DIANE TICAR

FAYE GUEVARA

FRANCES MOLINA

GEMELYN SEGUIRRE

GONZAGA NATIONAL HIGH

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with