^

PSN Palaro

Vs Big Chill, Jumbo sinikwat ang No. 2 seat sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagising ang Jumbo Plas­tic Giants sa ikatlong yug­to para kunin ang ikala­wang upuan sa se­mifinal round sa pamamagitan ng 67-57 panalo sa Café France Bakers sa pagta­tapos ng elimination round ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Me­ralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

Si Jan Colina ang bu­mu­hay sa naunang ma­lam­yang opensa ng Giants nang ibagsak ang anim sa kabuuang 8 points sa yugto para igiya ang koponan sa 23-9 palitan.

May isang tres si Coli­na, habang si Elliot Tan ay tumipa ng basket para sa 13-0 panimula sa yugto at hawakan ang 41-33 ka­lamangan mula sa 28-33 iskor sa halftime.

Ang mga reserves na si­na Jerick Canada at Jopher Custodio ang nangu­na sa pag-atake para sa Jumbo Plastic sa kanilang 14 at 11 puntos, habang ang 6-foot-7 center na si Ja­son Ballesteros ay may 14 rebounds.

Tinapos ng Giants ang yugto tangan ang 6-3 ba­raha at kahit nakasalo nila sa ikalawang puwesto ang nagdedepensang Blackwater Sports ay umabante pa rin sila at sinamahan ang walang talong NLEX Road Warriors sa Final Four dahil sa 76-68 panalo sa Elite.

Kumapit pa rin ang su­werte sa Bakers dahil nakapasok sila sa quarterfinals nang gulatin ng Derulo Accelero Oilers ang Boracay Rum Waves, 86-83, sa ikalawang laro.

Bumangon ang Oilers mu­la sa 37-52 agwat sa ikat­long yugto nang nagpa­sabog ng 35 puntos sa huling 10 minuto ng laro.

Si Michael Juico ay gumawa ng 21 puntos sa 8-of-16 shooting sa two-point line, kasama ang krusyal na buslo sa huling tatlong se­gundo na bumasag sa 83-83 pagkakatabla. (AT)

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM WAVES

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO OILERS

ELLIOT TAN

FINAL FOUR

FRANCE BAKERS

JERICK CANADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with