^

PSN Palaro

Sinagasaan ang Giants Road Warriors nakauna sa q’finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong sina Rome Dela Rosa, Bobby Ray Parks Jr. at  Kevin Alas sa huling limang minuto para itulak ang NLEX Road Warriors sa 71-59 panalo sa Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Foundation Cup kahapon saYnares Sports Arena sa Pasig City.

Nag-init ang tatlong nabanggit na manlalaro matapos ang 51-all tabla para mapakawalan ang 20-9 palitan at ipuwesto na ang NLEX sa quarterfinals sa naitalang ikapitong sunod na panalo.

Ang Giants ay nalaglag sa ikatlong puwesto sa 4-2 karta at nasayang ang naunang magandang laban na ibinigay sa Road Warriors nang tanging si Jeff Viernes na lamang ang gumaganti sa opensa para sa kanilang koponan.

Si Garvo Lanete ay may­roong 20 puntos habang sina Alas, Parks at Dela Rosa ay nagsanib sa 31 puntos.

Nasolo ng Cebuana Lhuillier Gems ang ikalawang puwesto matapos kunin ang 74-72 overtime panalo sa Boracay Rum Waves sa kanilang bakbakan.

Nakalusot si Marcy Arellano ng isang undergoal stab sa huling 3.8 se­gundo habang sablay ang sana ay panablang attempt ni Rudy Lingganay  para manalo sa ikalimang pagkakataon ang Gems matapos ang anim na laro.

Si Riego Gamalinda ang nagpatabla sa laro sa isang tres, 59-all, at ang Waves ay bumigay para bumaba sa 3-2 baraha.

Tinapos ng Big Chill Superchargers ang tatlong sunod na pagkatalo sa 68-54 pananaig sa Cafe France Bakers

May 13 puntos at 11 assists si Brian Heruela para sa Superchargers na gumamit ng malakas na panimula upang ipatikim sa Bakers ang  pang-apat na pagkatalo sa anim na laro.

 

vuukle comment

ANG GIANTS

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM WAVES

BRIAN HERUELA

CAFE FRANCE BAKERS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with