^

PSN Palaro

Asian Men’s Club volleyball championship hataw ngayon; Quarters asam ng Power Pinoys vs Mongolia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa knockout round ang pagsisikapang okupahan ng PLDT HomeTVolution Power Pinoys sa pagsukat sa galing ng Mongolia sa pagsisimula ng Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon sasalang sa ak­syon ang host team at dahil tatlong koponan lamang ang kasali sa Group A kaya’t ang mananalo ay papasok na sa susunod na yugto ng kompetisyon na inorganisa ng PLDT Home Fibr at may ayuda pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor, Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.

Isang makulay na ope­ning ceremony ang gagawin sa ganap na alas-12 ng tanghali  at si PSC chairman Ricardo Garcia ang siyang inimbitahan para maging guest of honor at speaker.

Ang huling laro sa alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng Vietnam at Al-Zahra ng Lebanon

Magkakaroon din ng ak­syon sa Cuneta Astrodome at ang maglalaban dito ay ang Turkmenistan at Al-Rayyan Qatar sa alas-2 ng hapon na susundan ng Kondensat-Zhaimunay ng Kazakhstan at Green Dragon ng Hong Kong  da­kong alas-4 sa Group C at Amoa-NCD ng Papua New Guinea at Chinese Taipei sa alas-6 ng gabi.

Ang Pilipinas, Mongolia at Iraq ang magkakasama sa Group A matapos lumiban ang Kuwait sa pagsali sa taong ito.

Alam ni coach Francis Vicente ang kahalaga­han ng makukuhang panalo kaya’t nangako siyang gagawin ng kanyang bataan ang lahat ng makakaya para maipanalo ito.

 

vuukle comment

AL-RAYYAN QATAR

ANG PILIPINAS

ASIAN MEN

CHAIRMAN ATTY

CHINESE TAIPEI

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

CUNETA ASTRODOME

FRANCIS TOLENTINO

GROUP A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with