^

PSN Palaro

Loreto iuuwi ang IBO belt vs African boxer

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susubukan ni Rey “The Hitman” Loreto na ta­lunin ang beteranong si Nkosinathi Joyi ng South Africa para sa bakanteng International Boxing Organization (IBO) light flyweight title ngayon sa Monte Carlo, Monaco.

May 13 talo sa 17 panalo, ang 23-anyos tu­bong Davao City ay lumipad pa­tungong Monaco bitbit ang technical decision panalo laban kay Pornsa­wan Porpramook ng Thailand noong Agosto 23, 2013 sa Bangkok, Thailand.

Itinigil ang laban matapos maputukan dahil sa acci­dental headbutt si Porn­sawan sa 1:01 ng 10th round at pinalad si Lo­reto na nanalo sa dalawang hurado, 88-82 at 86-84, upang maisantabi ang 85-85 draw ng isang judge at maiuwi ang PABA light flyweight title.

Ang 31-anyos na si Joyi ay magbabalak na kunin ang ikalawang division title matapos maghari sa IBO at IBF minimumweight divisions.

Kabilang sa mga respetadong boksingero na tinalo ni Joyi, may 24 panalo, kasama ang 17 KO, isang tabla at dalawang talo, ay sina Mexican bo­xers Sammy Gutierrez at Raul Garcia at dating IBF minimumweight titlist ng bansa si Florante Condes.

May isang boksingero na hinarap sina Loreto at si Joyi noong 2013 at ito ay si Benezer Alolod at natalo si Loreto sa kababayan niya sa technical decision noong Marso 16 habang pinatulog sa ninth round ni Joyi ang tubong Polomolok, Cotabato del Sur, noong Agosto 31. 

Ang labang ito ay un­der­card sa pagdepensa ng walang talong WBA middleweight champion na si Gennady Golovkin (28-0, 25KO) laban kay US-ba­sed Ghanaian Osumanu Adama. (ATan)

vuukle comment

AGOSTO

BENEZER ALOLOD

DAVAO CITY

FLORANTE CONDES

GENNADY GOLOVKIN

GHANAIAN OSUMANU ADAMA

JOYI

LORETO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with