^

PSN Palaro

Australian Open Azarenka hinubaran ni Radwanska ng titulo

Pilipino Star Ngayon

 MELBOURNE--Nawala na rin ang nagdedepensang kampeon sa Australian Open nang lumasap ng 6-1, 5-7, 6-0, pagkatalo sa quarterfinals si Victoria Azarenka kay Agnieszka Radwanska noong Miyerkules.

Nakita rin ni Azarenka na natapos ang 18-match winning streak sa torneo at nasama siya kina Serena Williams at Maria Sharapova na namahinga na.

Bunga nito, ang 2011 French Open champion na si Li Na ang nalalabing manlalaro na may major title na hawak ang palaban pa para sa korona.

Kalaban ni Li si  Eugenie  Bouchard sa semifinals habang si Radwanska ay makakasukatan si No. 20 Dominika Cibulkova matapos pagpahingahin ang 11th seed na si Simona Halep, 6-3, 6-0.

Hindi lamang sa wo­men’s singles magkakaroon ng bagong kampeon dahil ganito rin ang mangyayari sa men’s division matapos matalo si Novak Djokovic kay Stan Wawrinka sa larong umabot sa five sets.

Ang fifth seeded Radwanska ay nakarating sa semifinals sa unang pagkakataon sa huling apat na edisyon ng kompetisyon.

Pinahirapan niya si Azarenka ng mga matitinding drop shots at slices mula sa baseline upang mapatakbo lagi ang dating kampeon.

Kapag naaabutan ang mga bola, palolobohin o di kaya ay magpapakawala ng volley o passing shots si Radwanska para makuha ang mahalagang puntos hanggang sa maitala ang panalo.

vuukle comment

AGNIESZKA RADWANSKA

AUSTRALIAN OPEN

AZARENKA

DOMINIKA CIBULKOVA

FRENCH OPEN

LI NA

MARIA SHARAPOVA

NOVAK DJOKOVIC

RADWANSKA

SERENA WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with