^

PSN Palaro

NLEX pahihigpitin pa ang kapit sa No. 2

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagtitibayin pa ng NLEX ang kanilang kapit sa pa­ngalawang puwesto habang manatiling buhay ang kampanya ang habol ng Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sa ikatlong sunod na laro ay sasalang uli ang Road Warriors laban sa Café France at ikaapat na dikit na panalo tungo sa 7-1 baraha ang masa­sagasaan ng koponan para lumakas ang habol sa awtomatikong puwesto sa Final Four.

“We are not thinking of the playoffs yet and our goal is to win as many games as possible and see what happens,” wika ni Fernandez.

Sa ganap na ika-2 ng hapon itinakda ang laba­nan at ang Bakers na may apat na sunod na panalo, ay mangangailangan din ng tagumpay para tumibay ang puwesto patungong quarterfinals.

Ang koponan ni coach Edgar Macaraya ang number one defensive team ng liga sa ibinibigay na 71 puntos sa kalaban pero dapat na tumikas din ang kanilang opensa lalo pa’t isang offensive team ang kalaban.

Ang anim na koponan ang aabante sa playoffs at ang number three hanggang six teams ay dadaan sa quarterfinals.

Ang Gems na babanggain ang Arellano sa huling laro dakong alas-4 ay may katiting na tsansa pa para hindi ma-eliminate agad.

Unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali ay sa pagitan ng mga talsik ng Wangs Basketball at NU-Banco de Oro at disenteng pagtatapos na lamang ang kanilang habol sa liga.

 

vuukle comment

ANG GEMS

ARELLANO

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

FINAL FOUR

QUEZON CITY

ROAD WARRIORS

WANGS BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with