Hanggang bukas na lang ang pagpapalista sa Stags Charity Run
MANILA, Philippines - Ang pagpapatala para sa 4th Stags Charity Run ay magtatapos bukas at inaasahan ng mga organiÂzers na marami pa ang magpapalista para sa event na nakatakda sa Enero 12 sa ASEANA City sa SM Mall of Asia.
Higit sa 4,000 runners, kasama rito ang mga San Sebastian College emploÂyees, students at alumni ang magpapartisipa sa annual race na magtatampok sa SSC-R Manila’s 73rd Foundation celebrations sa Enero 12-20 na may temang “Greatness Awaits One Who Recollects.â€
Ang registration fee ay P500 per runner, kasama dito ang bib number at singlet.
Ang mga competition categories ay 3k, 5k at 10k at ang flagoff ay nakatakda sa alas-6 ng umaga.
Para sa mga detalye para sa Stags Run at iba pang activities ay maaaring tumawag sa 7348931-39 loc. 216/204 o sa www.sscrmnl.edu.ph.
Sinabi ni San Sebastian College’s Rev. Fr. Joel A. Alve, OAR, ang overall chairman ng Stags Charity Run organizing committee, na hinihikayat nila ang kanilang komunidad, mga kaibigan at supporters na sumali sa event para sa charity missions ng Order of Augustinian Recollects.
“We intend to duplicate, if not better the more than 4,000 runners who joined our third edition in 2013,†wika ni Alve.
- Latest