^

PSN Palaro

Blu Girls sa karanasan sasandal

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karanasan sa paglalaro sa Southeast Asian Games at Little League World Series ang mga aasahan ng women’s softball team para magtagumpay sa paglahok sa 14th Women’s Softball World Championship Asian qualifier sa Chinese Taipei.

Ang koponang hawak ni coach Ana Santiago ay pamumunuan ng sampung manlalaro na naka­sama sa nagtagumpay sa Palembang, Indonesia SEA Games  noong 2011.

Humugot din sila ng mga baguhan na palaban naman sa World Series sa Little League upang maituring mga beterano na sa malakihang kompetisyon.

Ang delegasyon ay aalis sa Nobyembre 24 at kinabukasan ang laro nila laban sa Chinese Taipei.

Sa Nobyembre 26 at 27 ay double headers ang laro nila at ang China at Japan ang katipan nila sa 26 habang ang Hong Kong at South Korea ang kalaro nila sa 27.

Kailangang masama ang Pilipinas sa unang apat na puwesto para umabante sa Page System Playoff  sa Nobyembre 28.

Noon pang 1998 huling umabante ang Pilipinas sa World Championships at natalo ang koponan sa lahat ng pitong laro at tumapos sa ikawalong puwesto sa Group II.

Ang pinakamagandang pagtatapos ng bansa sa World event ay nangyari noong 1970 nang puma­ngatlo ang Pambansang koponan kasunod ng kampeon Japan at pumangalawang USA.

Si Sarah Agravante ang tatayong team captain habang ang iba pang kasapi ay sina Karen Aribal, Elma Parohinog, Luzviminda Embudo, Alexis Zuluaga, Queeny Sababo, Marlyn Francisco, Kriska Piad, Veronica Belleza, Julie Marie Muyco, Rizza Bernardo, Annalie Benjamen, Shai­ra Damasing, Arianne Valestero, Lorna Adorable, Angelie Ursabia at Cristy Joy Roa.

 

vuukle comment

ALEXIS ZULUAGA

ANA SANTIAGO

ANGELIE URSABIA

ANNALIE BENJAMEN

ARIANNE VALESTERO

CHINESE TAIPEI

CRISTY JOY ROA

ELMA PAROHINOG

HONG KONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with