^

PSN Palaro

Julaton titiyakin ang panalo vs Salazar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang build­up sa kumpiyansa ni Ana “Hurricane” Julaton sa pagharap niya kay Celina Salazar  ng USA sa Agosto 17 sa Cancun, Quintana Roo, Mexico.

Ang 24-anyos na si Salazar ay may 4-1 karta pero galing siya sa pagkatalo sa kamay ni Melinda Cooper noong Setyembre 8, 2012 sa pamamagitan ng majority  decision.

Galing ang 33-anyos na si Julaton, dating WBO at IBA super bantamweight champion, sa dalawang dikit na panalo kina Yolanda Segura at Abigail Ramos na nangyari matapos matalo kay Yesica Patricia Marcos noong Marso 16, 2012 sa pamamagitan ng unanimous decision sa labanan para sa WBO title.

Tiniyak ni Julaton na nasa magandang kondis­yon ang kanyang panga­nga­tawan at handang han­da sa magaganap na laban.

Ipinagmamalaki ni Julaton na nanumbalik na ang kanyang lakas sa mag­kabilang kamao matapos patulugin sa unang round si Ramos.

Masasabi ring home court ang Mexico para kay Julaton dahil ang kanyang huling dalawang laban ay ginawa rito.

“I am honored to fight there and on August 17th, I guarantee an entertaining fight for everyone,” wika ni Julaton.

Hanap niya ang kum­binsidong panalo para malinya uli sa posibleng world title fight bago matapos ang taon.

vuukle comment

ABIGAIL RAMOS

AGOSTO

CELINA SALAZAR

JULATON

MELINDA COOPER

QUINTANA ROO

SHY

YESICA PATRICIA MARCOS

YOLANDA SEGURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with