^

PSN Palaro

NAS ipinapaayos na ng PSC para sa FIBA-Asia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyan nang ipi­na­­paayos ng Philippine Sports Commission ang Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila na isa sa dalawang magiging venue para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Cham­pionships.

“We are in full blast in the preparation of the Ninoy Aquino Stadium as we have agreed with the SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) that we will put Ninoy (Aquino Stadium) in tip top shape,” sabi kahapon ni PSC chairman Richie Garcia.

Nakatakda na ring ika­bit ang bagong electronic scoreboard isang linggo bago ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11.

Bukod sa Ninoy Aquino Stadium, gagamitin din para sa nasabing torneo na sasabakan ng Gilas Pilipinas II ang MOA Arena sa Pasay City.

Papipinturahan ng PSC ang pasilidad ng Ninoy Aquino Stadium para sa na­sabing qualifying tournament ng 2014 FIBA World na idaraos sa Spain.

Kasama ng Gilas II sa Group A ang Saudi Arabia, Jordan at Chinese-Taipei.

Ang Saudi Arabia ang magiging unang kalaban ng Gilas II sa Agosto 1 sa ganap na alas-8:30 ng gabi sa MOA Arena na siyang magtatampok sa eight-game schedule ng nasabing regional world qualifier.

Ang lahat ng laro ng Na­tionals ay idaraos sa MOA Arena tuwing alas-8:30 ng gabi.

Matapos ang Saudi Arabia ay haharapin naman ng Gilas II ang Jordan sa Agosto 2 kasunod ang Chinese Taipei sa Agosto 3 sa pagtatapos ng first round.

Sa inaasahang pag-abante ng Nationals sa second round ay makaka­laban nila ang top three teams galing sa Group B na kinabibilangan ng Qatar, Japan, Hong Kong at United Arab Emirates, ang pumalit sa nasuspindeng Lebanon.

Nasa Group C ang China, South Korea, Iran at Malaysia at kasama sa Group D ang Kazakhstan, Thailand, India at Bahrain.

Ang top four teams mula sa A-B bracket at ang top four squads buhat sa C-D bracket ay maghaharap sa crossover quarterfinals sa pagsisimula ng knockout stage. (Russell Cadayona)

vuukle comment

AGOSTO

ANG SAUDI ARABIA

AQUINO STADIUM

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

GILAS PILIPINAS

NINOY AQUINO STADIUM

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with