^

PSN Palaro

Altas rumesbak sa Pirates

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas


(The Arena, San Juan)

4 p.m. JRU vs EAC

6 p.m. Mapua vs San Beda

 

MANILA, Philippines - Bumangon ang Altas mula sa isang masaklap na overtime loss para kunin ang kanilang ikatlong panalo.

Sumandig ang Perpe­tual Help kina import Nosa Omorogbe at Juneric Baloria sa fourth quarter para talunin ang Lyceum, 71-66, sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagtala si Omorogbe ng 19 points, 9 rebounds at 5 assists, habang umiskor si Baloria ng 18 points na tinampukan ng 3-of-5 shoo­ting sa three-point line para sa panalo ng Altas, nagmula sa 77-78 overtime loss sa San Sebastian Stags.

May 3-1 record ngayon ang Perpetual katabla ang three-time champions San Beda (3-1) sa ilalim ng Letran (3-0) kasunod ang Lyceum (2-2), San Sebastian (2-2), Jose Rizal (2-2), Arellano (1-2), Mapua (1-2), Emilio Aguinaldo College (1-3) at St. Benilde (0-3).

Nauna nang ipinoste ng Altas ang isang 13-point lead, 43-30, sa third period bago naagaw ng Pirates ang unahan, 55-53, sa 1:19 nito.

Muling naagaw ng Perpetual ang kalamangan sa 62-59 mula sa isang three-pointer ni Baloria patungo sa kanilang 67-61 bentahe sa 3:31 ng fourth quarter.

Sumandal naman ang Lyceum kina Shane Ko at Dexter Zamora upang ilapit ang laro sa 65-68 sa huling 1:23 nito.

Tatlong free throws ang isinalpak nina Scottie Thompson, Baloria at Omorogbe upang muling ilayo ang Altas sa 71-65 sa natitirang 15.9 segundo.

Perpetual 71 -- Omorogbe 19, Baloria 18, Alano 10, Thompson 9, Arboleda 8, Elopre 4, Bantayan 3, Oliveria 0, Dizon 0, Lucente 0, Jolangcob 0.

Lyceum 66 -- Zamora 13, Ko 11, Mbomiko 10, Azores 10, Baltazar 8, Francisco 5, Lesmoras 5, Ambohot 4, Mendoza 0, Evangelista 0, Taladua 0, Alanes 0.

Quarterscores: 19-14; 42-30; 55-55; 71-66.

 

vuukle comment

ALTAS

BALORIA

DEXTER ZAMORA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL

JUNERIC BALORIA

OMOROGBE

SAN BEDA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with