^

PSN Palaro

Warriors nakauna sa ABL Finals

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong panalo pa at ga­gawa ng kasaysayan ang Indonesia Warriors sa ASEAN Baskerball Lea­gue.

Walang hirap na dinomina ng number two team matapos ang eliminasyon ang number three team na Westports Malaysia Dragons nang walisin ang kanilang best-of-five semifinals series.

Noong Miyerkules ng gabi natapos ang labanan sa MABA Gym sa Kuala Lumpur, Malaysia sa pa­mamagitan ng 81-64  de­molisyon tungo sa 3-0 sweep.

Ang mga inaasahang sina Stanley Pringle, Mario Wuysang at mga imports Chris Daniels at Steve Thomas ang mga kuma­mada upang balewalain ang homecourt advantage na bitbit ng Dragons.

Si Pringle ang namuno sa koponan sa kanyang 24 puntos at 8 rebounds habang si Wuysang ay may 17. Si Daniels ay nag­hatid ng 18 puntos at 8 boards habang 17 boards at 10 puntos ang ibinigay ni Thomas.

Bago ito ay pinangata­wanan ng Warriors ang kanilang homecourt advantage matapos angkinin ang 72-63 at 77-65 panalo

Sa maagang pagkakatapos ng kanilang semifinals series, ang tropa ni coach Todd Purvis ay magkakaroon ng karagdagang araw para makapagpahinga bago buksan ang gagawing title defense.

Ang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beer at Sports Rev Thailand Slammers ang siya nilang makakatapat sa Finals na inilagay din sa best-of-five series.

Angat ang Beermen sa Slammers sa 2-1 iskor at puwedeng wakasan ang kanilang serye kung nanalo kagabi sa Bangkok.

vuukle comment

BASKERBALL LEA

CHRIS DANIELS

INDONESIA WARRIORS

KUALA LUMPUR

MARIO WUYSANG

NOONG MIYERKULES

SAN MIGUEL BEER

SHY

SI DANIELS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with