^

PSN Palaro

Pineda, Caculitan umusad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalus ng wild card na si Andrew Pineda si top seed Lorenzo Yason habang nakapanggulat din si Marina Caculitan nang pagpahingahin si 8th seed Aldreen Concepcion sa Under-19 division sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) seventh leg kahapon sa Excel Badminton Center sa San Fernando, Pampanga.

Kasapi ng Team Prima, si Pineda ay bumawi sa pag­katalo sa second set para makumpleto ang 21-17, 13-21, 21-15, panalo para sa kanyang ikatlong sunod na tagumpay sa palarong suportado ng MVP Sports Foundation at may ayuda ng Victor.

Sunod na kalaban ni Pineda sa Last 16 si No. 10 Joshua Monterubio na nanalo kay Diego Nealega, 21-14, 21-7.

Umukit ng 21-18, 21-18, straight sets panalo si Caculitan kay Concepcion para umabante sa Last 18 sa girls division  sa limang araw na torneo na may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA) na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay katuwang si sportman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.

Hindi naman natagpas ang top seed sa kababaihan na si Bianca Carlos nang durugin niya si Reina Margas, 21-1, 21-2, panalo.

 

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

ALDREEN CONCEPCION

ANDREW PINEDA

BIANCA CARLOS

DIEGO NEALEGA

EXCEL BADMINTON CENTER

JOSHUA MONTERUBIO

LORENZO YASON

MANNY V

MARINA CACULITAN

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with