^

PSN Palaro

NCAA stars isasabak ng Strong Group sa Jones Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idinagdag ng Strong Group-Pilipinas sa kanilang tropa ang ilang collegiate stars para sa kampanya sa darating na 43rd William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.

Ipaparada ng Strong Group-Pilipinas sa torneo sina Letran Knights incoming freshman Jonathan Manalili kasama sina St. Benilde Blazers transferees Allen Liwag at Tony Ynot.a

Nakatakda ang Jones Cup sa Hulyo 13 hanggang 21 na lalahukan ng mga bigating koponan.

Ang 19-anyos na si Manalili ang bumida sa paghablot ng Letran Squires sa back-to-back NCAA juniors titles at nagposte ng mga averages na 16.1 points, 6.9 assists, 4.2 rebounds at 2.5 steals per game.

Naging bahagi naman sina Ynot at Liwag ng Strong Group squad na sumegunda sa 2024 Dubai Basketball International Tournament.

Ang iba pang nasa tropa ni coach Charles Tiu ay sina Kiefer Ravena, Rhenz Abando, Angelo Kouame, RJ Abarrientos, Jordan Heading, DJ Fenner, Chris McCollough, Caelan Tiongson at Tajuan Agee.

Si Kouame ay sentro ng Gilas Pilipinas habang naging import ng San Miguel sa PBA si McCollough na nauna nang nagpahiwatig ng kagustuhang maging isang naturalized player ng Gilas.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with