^

PSN Palaro

Gems, Bakers magpapalakas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Cebuana Lhuillier at Café France ang laban para sa insentibo na ibibigay sa mangungunang koponan matapos ang eliminasyon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Gems ang EA Regen Med sa una sa tatlong laro na matutunghayan ngayon sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Bakers ay makikipagtuos sa Hog’s Breath sa alas-6 ng gabi.

Gitnang laro ang sa pagitan ng Jumbo Plastic at Informatics dakong alas-2 ng hapon at ikalawang panalo sa pitong laro ang makukuha ng Giants habang unang panalo matapos ang limang sunod na kabiguan ang nakaumang sa Icons.

Sa ngayon ay solong nasa unahan ang Blackwater Sports sa 5-1 karta ha­bang isang laro na na­pag-iiwanan ang Fruitas sa 4-1 karta.

Ang Gems at Café France ay magkasalo sa ikatlo at apat na puwesto sa 4-2 karta  kaya’t ang makukuhang panalo sa mga katunggali ay magdidikit sa koponan sa Elite.

May dalawang dikit na panalo ang Gems na haharapin ang Team Delta na sariwa rin sa panalo para maitabla ang karta sa 2-2.

Mapapalaban ang tro­pa ni coach Beaujing Acot dahil ang EA Med ay magtataglay ng solidong frontline sa katauhan nina Raymund Almazan at Ian Sangalang.

 

vuukle comment

ANG GEMS

BEAUJING ACOT

BLACKWATER SPORTS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

IAN SANGALANG

JUMBO PLASTIC

RAYMUND ALMAZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with