^

PSN Palaro

Namemeligrong ‘di na makalaro dahil sa injury: Bryant nadisgrasya sa panalo ng Lakers

Pilipino Star Ngayon

NEW ORLEANS--Umis­kor si Kobe Bryant ng 34 points bagamat naglaro sa second half na sumasakit ang kanyang injury sa kaliwang binti para igiya ang Los Angeles Lakers sa 118-116 panalo laban sa Golden State Warriors noong Biyernes.

Pinalakas ni Bryant ang tsansa ng Lakers para sa pang-walo at huling NBA playoff berth.

Matapos ang laro, iniha­yag ng Lakers na maa­aring mayroong napunit na litid sa kanyang kaliwang binti si Bryant.

Sasailalim siya sa isang MRI exam sa Sabado, ngunit alam ni Bryant na ang naturang injury ang tatapos sa kanyang season.

Nanatili sa laro si Bryant, ang fifth-leading scorer sa NBA history, hanggang sa huling 3:06 minuto sa fourth quarter kahit na may injury sa kanyang kaliwang binti sa second half.

“I made a move that I’ve made a million times, and it just popped,” sabi ni Bryant sa loob ng Lakers’ locker room.

Tumipa naman si Stephen Curry ng 47 points para sa Warriors.

Naungusan ng Los Ange­les ang Utah Jazz para sa eighth playoff spot sa NBA Western Conference sa hu­ling dalawang laro

Sa Salt Lake City,  kinuha ng Jazz ang 107-100 ta­gumpay laban sa Minnesota Timberwolves tampok ang 40 points ni Al Jefferson.

Sa Miami, umiskor si LeBron James ng 20 points sa loob ng 29 minuto at nagdagdag si Rashard Le­wis ng 19 para igiya ang Miami Heat sa 109-101 paggupo sa Boston Celtics para pantayan ang kanilang franchise record sa pagkakaroon ng pinakamaraming panalo sa kanilang tahanan.

vuukle comment

AL JEFFERSON

BOSTON CELTICS

BRYANT

GOLDEN STATE WARRIORS

KOBE BRYANT

LOS ANGE

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with