^

PSN Palaro

Gonzales wagi, Thai nagretiro dahil sa cramps

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lumabas ang hanap na homecourt advantage para sa Philippine Davis Cuppers nang iuwi ni Fil-Am Ruben Gonzales ang 6-7 (6), 6-4, 2-0 (ret) panalo laban kay Wishaya Trongcharoenchaikul sa ope­ning singles ng Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals kahapon sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu-Lapu City.

Dahil sa sobrang init sa clay court na palaruan, inatake ng cramps si Wishaya sa binti na umakyat sa kanyang tiyan. Matapos lapatan ng paunang lunas ay nagdesisyon na hindi na kayang ipagpatuloy ang laban upang ibigay sa host Pilipinas ang mahalagang 1-0 kalamangan.

Sunod na sasalang ang beteranong si Johnny Arcilla at ang number one Thai player at  world’s 207th ranked sa singles na si Danai Udomchoke habang sinusulat ang balitang ito.

Maganda ang panimula ng 17-anyos na si Wishaya dahil nagawa niyang bumangon mula sa pagkakawala ng dalawang game na kalamangan sa first set upang manalo sa tie-break sa first set.

Ngunit ang pinahabang tagisan na umabot ng isang oras bago natapos ay naka-epekto sa stamina ng Thai number two player at nagsimula itong umepekto sa second set na kanyang naisuko bago lumala pa sa third set  tungo sa pagreretiro sa laban.

vuukle comment

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DANAI UDOMCHOKE

DAVIS CUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

JOHNNY ARCILLA

LAPU-LAPU CITY

PHILIPPINE DAVIS CUPPERS

PLANTATION BAY RESORT

WISHAYA

WISHAYA TRONGCHAROENCHAIKUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with