^

PSN Palaro

Huling giyera ng Tams, Bulldogs

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  NU vs FEU

 

MANILA, Philippines - Huling pagtutuos ang mangyayari sa pagitan ng FEU at National University sa pagtatapos ng 75th UAAP men’s volleyball nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagkaroon ng deci­ding Game Three sa men’s Finals nang kunin ng nagde­depensang Tamaraws ang 25-23, 17-25, 25-20, 25-23, panalo sa Bulldogs noong Miyerkules.

Sa ganap na alas-2 ng hapon itinakda ang tagisan at bahagyang napapaboran ang FEU dahil sa nakuhang momentum.

Hindi naman hahayaan ng Bulldogs na masayang ang magandang season kaya’t asahan na gagawin din nila ang lahat ng makakaya para makuha ang kauna-unahang titulo sa volleyball.

Sina Peter Torres at Edwin Tolentino ang mga kakamada para sa Bulldogs na nakauna sa best-of-three finals sa pamamagitan ng 16-25, 18-25, 25-13, 25-17, 15-8, panalo noong nakaraang Sabado.

Sina Karl dela Calzada at Alexis Faytaren ang babandera sa pag-atake ng Tams na nais suruin ang ika-26th titulo sa liga.

 

vuukle comment

ALEXIS FAYTAREN

EDWIN TOLENTINO

GAME THREE

HULING

LARO NGAYON

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

SINA KARL

SINA PETER TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with