^

PSN Palaro

Sa 17th jay Swanson memorial 9-ball: Orcollo sumargo uli ng titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinamalas uli ni Dennis Orcollo ang kahusayan sa paggamit ng slow break upang angkinin ang titulo sa 17th Jay Swanson Memorial 9-Ball Tournament sa Hard Times Billiards sa Belflower California kamakailan.

Hindi natalo si Orcollo sa kabuuan ng torneo at hiniya sa finals si Jayson Shaw ng United Kingdom sa race-to-13 finals sa dominanteng 13-3 iskor.

Dalawang beses na hinarap ni Orcollo si Shaw sa torneo at ang una ay  para sa hot seat na kung saan nanalo rin ang Filipino cue-artist.

Nakuha ni Shaw ang karapatang lumaban sa titulo nang manaig kay Rod­ney Morris ng USA.

Sa finals, si Shaw ang nanalo sa lag at makuha ang unang laban pero nai­suko ang second game para sa 1-1 tabla.

Mula rito ay inilabas ni Orcollo ang husay sa soft break na siyang gusto ng mesang pinaglabanan tungo sa madaling panalo.

Kinabig ni Orcollo ang unang gantimpala na nagkahalaga ng $3000.

Nakontento si Shaw sa $1,500.00 habang $1000.00 ang binitbit ni Morris.

Ito rin ang ikalawang pa­nalo sa taon ni Orcollo matapos pagharian ang Derby City Classic Bigfoot 10-ball Challenge at ibulsa ang $20,000.00 premyo.

Matapos ang limang tor­neo, ang dating number one pool player sa mun­do ay kumabig na ng kabuuang $43,000.00 premyo.

vuukle comment

BALL TOURNAMENT

BELFLOWER CALIFORNIA

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC BIGFOOT

HARD TIMES BILLIARDS

JAY SWANSON MEMORIAL

JAYSON SHAW

ORCOLLO

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with