^

PSN Palaro

Tinalo ang slammers KL Dragons nagsolo sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinolo ng Westport KL Dragons ang liderato sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) nang manaig sa Chang Thailand Slammers, 91-83, noong Biyernes ng gabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

 May 22 puntos si Cedric Bozeman habang si Filipino import Patrick Cabahug ay may 20 puntos para sa Dragons na lumayo sa second period pero kinaila­ngan pa ring magpakatatag sa huling yugto para maisantabi ang paghahabol ng host team.

Napag-iwanan ng 18 sa pagsisimula ng ikatlong yugto, ang Slammers ay nakapanakot sa 72-76 sa magandang assist ni Froilan Baguion para kay Pairach Sekteera .

Pero kumana ng tres si Cabahug para pagningasin ang 8-1 palitan at iangat uli sa 11, 84-73, ang kalama­ngan.

May 13 puntos, 8 rebounds at 6 blocks ang isa pang import ng Dragons na si Gavin Edwards para sa tropa ni Filipino coach Ariel Vanguardia na iniwanan ang dating mga kasalo sa liderato na San Miguel Beermen at Singapore Slingers sa 2-0 karta.

Naghatid ng 20 puntos, 13 rebounds at 4 steals si Christien Charles habang may 12 assists si Baguion para sa Slammers na nala­sap ang ikatlong dikit na pagkatalo at mangulelat sa 6-team tourney.

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

BASKETBALL LEAGUE

CEDRIC BOZEMAN

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRISTIEN CHARLES

FROILAN BAGUION

GAVIN EDWARDS

NIMIBUTR STADIUM

PAIRACH SEKTEERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with