^

PSN Palaro

Abarrientos mananatili sa Tams: Racela bagong coach ng FEU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinirang ng Far Eastern University si Talk N’ Text assistant coach Nash Racela bilang kanilang bagong head coach.

Inanunsyo ito ni FEU re­presentative sa UAAP Board Anton Montinola kahapon at si Racela ang magiging kapalit ni Bert Flores.

Opisyal na magsisimula si Racela sa Tamaraws sa Nobyembre 1.

Si Flores na nabigong ipasok sa Final Four ang Ta­maraws  at tumapos sa panlimang puwesto sa UAAP ay mananatili sa koponan bilang scout at iikot siya sa mga probinsya para tumuklas ng mga bata at mahuhusay na manlalaro.

Ang dating pambatong manlalaro ng paaralan na si Johnny Abarrientos ay mananatili sa koponan bilang assistant coach pero ang iba pa niyang makakasama sa bench ay dedesiyunan ni Racela.

Naniniwala si Montinola na sa pagpasok ni Racela ay maibabalik niya ang tikas ng koponan na nanalo na ng 19 titulo sa men’s basketball.

Pero ang huling korona na kanilang natikman ay nangyari noon pang 2005 nang ibida sila ni Arwind Santos.

Bago tinapik ng FEU, si Racela na beterano ng pagko-coach din sa Metropolitan Basketball Association at Philippine Basketball League ay kinuha rin ng ba­gitong Fruitas  sa PBA D-League Aspirants’ Cup.

 

vuukle comment

ARWIND SANTOS

BERT FLORES

BOARD ANTON MONTINOLA

D-LEAGUE ASPIRANTS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JOHNNY ABARRIENTOS

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

NASH RACELA

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

RACELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with