^

PSN Palaro

San Mig Coffee makikisosyo sa liderato

- Russell Cadayona - The Philippine Star

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Barako Bull vs Alaska

6:30 p.m. Petron vs San Mig Coffee

MANILA, Philippines - Matapos igupo ang Alaska sa kanilang unang laro, tatlong mabibigat na laban ang susuungin ng San Mig Coffee.

“We’ve got Petron, Talk ‘N Text and Rain or Shine. It’s a tough grind early in the conference,” sabi ni coach Tim Cone matapos talunin ng kanyang Coffee Mixers ang Aces, 103-83, noong Oktubre 5 kung saan tumipa si 6-foot-8 Yancy De Ocampo ng 22 points kasunod ang 20 ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap.

Sasagupain ng San Mig Coffee ang Petron Blaze ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang sal­pukan ng Alaska at Barako Bull sa alas-4:15 ng hapon sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Boosters ni mentor Olsen Racela ang Coffee Mixers sa kanilang dalawang beses na paghaharap sa preseason.

Magkasalo sa liderato ang Barangay Ginebra San Miguel at nagdedepensang Talk ‘N Text mula sa magkatulad nilang 2-0 record kasunod ang San Mig Coffee (1-0), Rain or Shine (2-1), Barako Bull (1-1), Meralco (1-1), Petron Blaze (1-1), Air21 (1-2), Alaska (0-2) at Globalport (0-3).

Nanggaling ang Boos­ters sa 98-89 panalo kontra sa Energy Cola noong Oktubre 10.

“Kailangan naming ma­tuto to play consistent basketball for 48 minutes,” ani Racela sa pinabayaang 20-point lead ng Petron na sinamantala ng Barako Bull para makadikit sa final canto. “Kahit sinong team sa PBA kapag binigyan mo ng ganoong opportunity, eh talagang makakagawa ng run at makakabalik.”

Sa unang laro, mag-uunahang makabawi sa kabiguan ang Aces at Ener­gy Cola matapos matalo sa Bolts, 86-93, at Boos­ters, 89-98, ayon sa pagka­kasunod.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

COFFEE MIXERS

ENERGY COLA

LARO NGAYON

MOST VALUABLE PLAYER JAMES YAP

PETRON

PETRON BLAZE

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with