Alegarbes lumangoy ng gold sa Nagoya
NAGOYA, Japan — Nilangoy ni Ariel Joseph Alegarbes ang ikalawang gold medal ng Team Philippines matapos maghari sa men’s 100-meter backstroke S14 sa 5th Asian Para Games kahapon dito sa Rainbow Pool ng Nagoya City General Gymnasium.
Nagtala ang 21-anyos na si Alegarbes ng bilis na isang minuto at 1.56 segundo para banderahan ang kanyang event.
Tinalo ng tubong Victorias City, Negros Occidental sina South Korean Kang Sungho (1:01.61) at Natirat Meeprom (1:02.08) ng Thailand.
Ang unang gold ay nagmula kay para swimmer Ernie Gawilan sa 400-meter freestyle S7 noong Lunes.
Nagdagdag din ng bronze si Raemond Adefuin sa 100-meter breaststroke SB6.
Dahil sa dalawang golds at isang bronze, pumuwesto ang Team Philippines sa 14th place overall sa medal tally.
Sa archery, bigo sa medalya sina Marzel Burgos, Augustina Bantiloc at Jannah Kate Ballesta.
- Latest
























