^

PSN Palaro

Pagpasok ni Romero sa PBA 'di kasama sa agenda sa PBA Board meeting sa Macau

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bagamat natuloy na ang pagbili ng Sultan 900 Capital ni Mikee Romero sa prangkisa ng Powerade Tigers, wala pa ring desis­yon ang PBA Board tungkol dito.

Inaasahang aaprubahan na ng PBA Board ang pagpasok ni Romero, ang Chief Executive Officer ng Harbour Centre, sa ka­nilang pulong sa Macau sa susunod na linggo.

Ngunit ayon kay PBA Commssioner Chito Salud, hindi tatalakayin sa pulong ang proposed sale ng Po­werade sa Sultan 900 Capital ni Romero.

Sinabi ni Salud na pag-uusapan ng PBA Board ang tungkol sa bentahan sa kanilang pag-uwi sa bansa.

Sa pagkawala ng Po­werade, si Robert Non ng Barangay Ginebra ang ma­kakakuha ng chairmanship sa PBA na isusuko naman ni Mamerto Mondragon ng Rain or Shine.

Maliban sa eleksyon ng mga opisyales, tata­lakayin din sa pulong sa Macau ang presentasyon ng AKTV at ang format para sa darating na 38th season.

Ilalahad din ni Salud ang kanyang mga nagawa sa nakaraang 37th season pati na ang ulat niya sa gate receipts.

Sa 37th season, nagkampeon ang Talk ‘N Text sa 2012 PBA Philippine Cup, naghari ang B-Meg sa Commissioner’s Cup at namayani ang Rain or Shine sa Governors Cup.

Inaasahan namang bi­bigyan ng panahon ng PBA ang gagawing preparasyon ng Smart Gilas II ni coach Chot Reyes para sa 2013 FIBA Asia Championship.

Ang unang aktibidad ng PBA para sa 38th season ay ang 2012 Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 19 sa Midtown Robinson’s Place Manila tampok ang kabuuang 71 aspirante.

Ang Petron Blaze ang kukuha sa No. 1 overall pick, nahugot mula sa Air21, kasunod ang Alaska (No. 2), Petron (No. 3), Meralco (No. 4) at Barako Bull (No. 5).

 

vuukle comment

ANG PETRON BLAZE

ASIA CHAMPIONSHIP

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CHOT REYES

COMMSSIONER CHITO SALUD

GOVERNORS CUP

HARBOUR CENTRE

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with