^

PSN Palaro

Huelgas U23 champion sa Subic triathlon

-

MANILA, Philippines - Pinawi ni Nikko Huelgas ang mahinang panimula nang kakitaan ng malakas na pagtatapos upang hira­nging kampeon sa male Under-23 na pinaglabanan sa unang araw ng 2012 K-SWISS ITU Subic Bay In­ternational Triathlon (SUBIT) na handog ng Cen­tury Tuna kahapon sa Subic Bay Freeport.

Ang 20-anyos, kumukuha ng business mana­gement course sa La Salle ay nangapa sa kanyang porma sa swim pero hu­mat­aw ng todo sa bike at run upang maisumite ang nangungunang tiyempo sa kategorya na 2:01:41.

Ang kababayan na si John Lee Chicano na nagsanay ng dalawang buwan sa Australia ang pumanga­lawa sa 2:04:05 habang ang Malaysian na si Shimri Lim ang pumangatlo sa 2:08:32 oras.

“Marami akong pagkakamali sa karerang ito kaya hindi ako kontento sa ipina­kita ko. Ang mga maling na­gawa ko ay pipilitin kong itama para mas gumanda ang ipapakita ko sa mga su­sunod na karera,” wika ni Huelgas.

Nakisalo kay Huelgas na nakapagpasikat sa dalawang araw na karera na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) katuwang ang K-SWISS, Century Tuna at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sina Bai Faquan ng China at Eri Kawashima ng Japan na kampeon sa elite division.  

Ikalawang sunod na pa­­nalo sa huling dala­wang linggo ang naitala ni Faquan nang kunin ang male elite title laban sa kinapos sina Benjamin Shaw ng Ireland.

vuukle comment

BAI FAQUAN

BENJAMIN SHAW

CENTURY TUNA

ERI KAWASHIMA

HUELGAS

JOHN LEE CHICANO

LA SALLE

NIKKO HUELGAS

SHIMRI LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with