^

PSN Palaro

Pinoy tankers lalangoy sa Singapore para sa asam na London Olympics slot

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Anim na kalalakihan at dalawang kababaihang swimmers ang magta­tangka na makapasok sa London Olympics sa pagsali sa Southeast Asian Swimming Championships sa Hunyo sa Singapore.

Ang mga tinapik ay sina Ryan Arabejo, Charles Wal­ker, Kendrick Uy, Ivan Uy, Jessie King Lacuna at Daniel Coakley sa kalalakihan at Jasmine Alkhaldi at Jasmin Ong.

Nananalig si swimming president Mark Joseph na magagawa ng walong swimmers na maabot ang qualifying times sa mga events na lalahukan para makatiyak ng puwesto ang Pilipinas sa Olympics.

Ayon kay Joseph, hindi pa tiyak kung mabibigyan ng puwesto ang Pilipinas dahil ang palalanguyin lamang ng FINA sa Olympics ay ang top 900 swimmers ng bawat events.

“Swimming is a mandatory sport that mean’s it will always be included in every games. But it does not mean that every country can send two competitors like before or like athletics. Swimming will only have 900 qualifiers maximum so to be in London, you need to be in the top 900,” pa­liwanag ni Joseph.

Pero ayon kay Chief of Mission Manny Lopez, magbibigay pa ang FINA ng wild card slots sa mga bansang di makakapag-qualify.

 “Meron pa. It is under the universality places. At the very least ay dalawa pa ang maipapadala natin,” wika ni Lopez.

Anuman ang ma­ging desisyon ng FINA ay inaa­sahan naman na hindi iaasa ng mga swimmers ng nabanggit ang kanilang tsansa sa wild card at tiyak na pupukpok upang makuha ang qualifying times at opisyal na masama sa talaan ng manlalaro sa London. 

vuukle comment

CHARLES WAL

CHIEF OF MISSION MANNY LOPEZ

DANIEL COAKLEY

IVAN UY

JASMIN ONG

JASMINE ALKHALDI

JESSIE KING LACUNA

KENDRICK UY

LONDON OLYMPICS

MARK JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with