^

PSN Palaro

Texters kukunekta sa semis; Gin Kings asam ang playoff

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Tatangkain ng Tropang Texters na maibulsa ang una sa dalawang outright semifinals ticket, habang ang playoff naman ang hangad ng Gin Kings.

Lalabanan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang sibak nang Petron Blaze ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Barangay Ginebra at talsik na ding Air21 sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012 PBA Com­mis­sioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakakuha na ang Tropang Texters at B-Meg ng playoff para sa dalawang outright semis berth.

Bitbit ng Talk ‘N Text, hangad ang kanilang ika­anim na sunod na semis stint, ang 6-2 rekord kasu­nod ang B-Meg (6-3), Ginebra (5-3), Alaska (5-4), Barako Bull (4-5), Powerade (4-5), Meralco (4-5), Air21 (3-5) at mga talsik nang Petron Blaze (3-5) at Rain or Shine (3-6).

Kung magtatabla sa 6-3 ang mga baraha ng Tropang Texters, Llamados at Gin Kings, ang B-Meg ang makakasilo sa unang outright semis ticket, habang mag-aagawan naman ang Talk ‘N Text at Ginebra para sa ikalawang outright semis seat.

Ito ay dahil sa superior quotient na hawak ng Llamados laban sa Talk ‘N Text at Ginebra.

Nagmula ang Tropang Texters sa 102-90 paggupo sa Elasto Painters noong Sabado sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang panalo naman ng Gin Kings sa Express ang magbibigay sa kanila ng playoff seat para sa No. 2 spot sa semifinals kasabay ng pagpasok ng Energy sa quarterfinals para makasama ang Aces at mag­lalaban naman para sa ikaapat na quarterfinals spot ang Tigers at Bolts.

Ang kabiguan ng Gi­nebra sa Air21 ang mag­papa­sok sa Powerade sa quarters at mag­tatakda sa playoff ng Bolts at Energy.

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GINEBRA

N TEXT

PETRON BLAZE

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with