May kapansanang mga atleta magpapasiklaban
MANILA, Philippines - Mangunguna ang 19 gold medalists sa nakalipas na ASEAN Para Games na magpapakitang-gilas sa pagsisimula ng 1st PSC-Philspada National Games na magsisimula bukas sa Marikina Sports Park.
Ang mga differently-abled athletes na inaasahang papalo sa 500 ang bilang ay magtatagisan sa hangaring maipakita ang angking talento na maaring magresulta sa pagpasok nila sa national team.
Ang palarong ito ay naisagawa sa pagtutulungan ng Philippine Sports Association for the Differently Ab led (Philspada), Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Standard Insurance Company bukod pa sa ayuda ng Siyudad ng Marikina.
Ang mga sports na paglalabanan ay athletics, swimming, table tennis, powerlifting, badminton, tenpin bowling, chess, goalball at wheelchair basketball.
Ang mga kalahok ay hinati sa anim na grupo na base sa kanilang kapan-sanan at ito ay sa amputee, cerebral palsy, wheelchair, visually impaired at intellectual disabilit.
Ang mga nagsipanalo ng ginto na kasali sa torneo ay sina Prudencia Panaligan, Roger Tapia at Joel Balatucan sa athletics, Sander Severino, Henry Roger Lopez at Alexis Elinon sa chess, Adeline Ancheta at Achelle Guion sa powerlifting, Ernie Gawilan, Arnel Aba, Ma. Josephine Bea, Riza Roble at Daniel Damaso Jr. sa swimming, Josephine Medida, Minnie Cadag at Paolo Catalan sa table tennis, Kim Ian Chi, Ernesto Gatchalian Jr., Rufo Tablang at Gina Espanol sa tenpin bowling.
- Latest
- Trending