^

PSN Palaro

Rock Star

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

In demand talaga si Alex Eala.

Kahit saan pumunta, maglaro or pumasyal, dinudumog ng tennis fans at dehins lang Pinoy.

Ilan beses ko na sinabi, parang Manny Pacquiao.

Sa US Open sa New York, alam ng organizers na dapat eh sa big courts or centercourt si Eala dahil sa demand ng tickets.

Natuto na sila sa isang tournament last year kung saan mas maraming Eala fans ang dehins nakapasok kesa sa mga nakaupo sa loob.

Kaya sa opening match ni Eala, malamang eh sold out ang tickets sa Louis Armstrong Stadium sa New York na may seating capacity na 14,000.

Dahil dyan, bumaha ng tickets sa secondary or black market. Ang ticket na under $200, binebenta na ng $400 or P24,000. Ayon sa report, umabot na ng 130 percent ang tinaas.

Pano pa kaya sa courtside or ‘yung dinig na dinig mo na ang ungol ng mga players. Baka abutin ka na ng P50,000 or P100,000.

Dehins bawal sa kanila ang magbenta ng ticket sa secondary market or online market. Kahit magkano mo pa ibenta, basta may bumili, good.

Simpleng law of supply and demand.

Ang bawal yata sa kanila eh kung doon mo sa venue mismo ibebenta ang tickets.

Kung buhay pa sana ang kilala kong scalper dito sa atin, I’m sure may paraan siya.

Sa Starbucks ang kaliwaan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with