^

PSN Palaro

San Sebastian Stags pararangalan sa Collegiate Basketball Awards sa Enero 21

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pagkapanalo ng titu­lo sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) ang nagtulak sa San Sebastian upang ma­sama sila sa mga para­ra­ngalan sa Collegiate Basketball Awards na itataguyod ng UAAP at NCAA Press Corps at Smart sa Enero 21 sa Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Naunsiyami ang pakay ng Stags na titulo sa NCAA nang yumukod sila sa San Beda ngunit nakabawi ang koponang hawak ni coach Topex Robinson nang kunin ang PCCL title la­ban sa two-time defending champion at 4-peat titlist ng UAAP na Ateneo Blue Eagles.

Ang Stags ang kauna-unahang NCAA team na hinirang na kampeon ng ng PCCL at gagawaran ng Distinction for Excellence award.

Kabilang sina Calvin Abueva at Ian Sangalang sa Mythical team kasama sina Greg Slaughter at Kiefer Ravena ng Ateneo, Bob­by Ray Parks Jr. ng Na­tio­nal University at Garbo La­nete ng San Beda.

Si Sangalang ay ma­kakasama ni Aldrech Ra­mos ng FEU bilang Mr. Efficiency, habang si Ro­nald Pascual ng Baste ang gagawaran ng Impact Pla­yer.

Si RR Garcia ng Tamaraws ang tatanggap ng Court General award.

Ang iba pang manlalaro na bibigyan ng pagkilala ay sina Nico Salva ng Ateneo at Dave Marcelo ng San Beda bilang Pivotal Pla­yers, Emman Monfort ng Ateneo bilang Maynilad Super Senior at ang kakampi niya sa Blue Eagles na si Kirk Long bilang Defensive Stopper.

vuukle comment

ALDRECH RA

ANG STAGS

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CALVIN ABUEVA

COLLEGIATE BASKETBALL AWARDS

COURT GENERAL

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with