Para makasabay ang mga national fencers sa SEA games

PALEMBANG, In­do­ne­sia --- Kailangang ma­ka­­kuha ng suporta ang na­­tional fencers kung nais ng bansa na maibalik ang da­­ting mataas na estado ni­to sa Southeast Asia.

Ito ang sinabi ni head coach Or­ly Vizcayno matapos mag­karoon lamang ng isang ginto at tatlong bronze medals ang ipina­da­lang koponan sa 26th SEA Games.

Sina Wally Mendoza, Gi­an Carlo Nocom, Edwin Ve­lez at Eric Brando III ay nakontento lamang sa bronze medal sa men’s team sabre event nang tanggapin ang 33-45 pag­ka­talo sa kamay ng Ma­lay­sia sa pagtatapos ng kom­petisyon sa University of Ind­onesia sa Bekasi, West Java.

“Our outcome in fencing re­flect lack of preparation and foreign exposure com­par­ed to our rivals,” wika ni Vizcayno.

Bago nagsimula ang la­ro ay mataas ang pani­niwala ng koponan na ma­kakaya nilang maulit ang 3 gold at tig-6 na silver at bronze medals na naiuwi sa 2007 SEA Games sa Thai­land na huling nagda­os ng fencing event.

 Pero tanging si Mendo­za lamang ang pinalad na ma­nalo sa men’s individual sab­re.

Hindi nakapaghatid ng me­dalya ang women’s foil team na binuo nina Dinah Re­molacio, Mia Howell at Veena Nuestro nang ma­ungusan ng Singapore, 41-44, sa quarterfinals.

Bago lumaban sa SEA Ga­mes, ang fencers ay nag­karoon lamang ng da­lawang linggong pagsasa­nay sa China, habang ang mga nakalabang fencers ay nagsanay at naglaro sa mga torneo sa Europe.

Ang Vietnam ang na­ngu­nguna sa apat na ginto, ha­bang ang Thailand ay may­roong tatlo.

Ang Malaysia ay may isang ginto tulad ng Pilipinas at 3 bronze medals.

Show comments